Regular monitoring sa Bulkang Mayon, ipinaalala ng DILG sa LGUs ng Albay

Regular monitoring sa Bulkang Mayon, ipinaalala ng DILG sa LGUs ng Albay

IPINAALALA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local government unit (LGU) ng Albay ang regular monitoring sa Bulkang Mayon.

Personal na hinimok ni Interior Secretary Benhur Abalos ang regular na koordinasyon ng lahat ng mga LGU sa Albay sa gitna ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Abalos, mainam ito para matiyak ang maayos na komunikasyon at mga kinakailangang tulong para sa mga apektado ng posibleng paglala ng aktibidad ng bulkan.

Giit pa ng kalihim, hindi dapat na mag-atubili ang mga lokal na pamahalaan at mga barangay na humingi ng tulong sa pamahalaan para mabilis na marespondehan ang mga residente.

Sa ngayon, bukas aniya ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pangangailangan ng mga apektadong mamamayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter