PATULOY ang regular operation ng MRT-3 sa pagsisimula ng General Community Quarantine (GCQ) alert level 4 sa Metro Manila ngayon araw.
Batay sa inilabas na guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), tanging mga pasaherong may edad 18 hanggang 65 ang pinahihintulutang makasakay sa MRT-3.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, mananatiling nasa 30% ang passenger capacity ng mga tren.
May katumbas ito na 124 na pasahero kada train car o 372 na pasahero kada train set.
Mahigpit pa ring ipatutupad ang “7 commandments” kontra COVID-19 sa buong linya para sa regular operation ng MRT-3 upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa pampublikong transportasyon.