Regulation sa mga POGO, pinapapasyahan sa pamahalaan –Panel Chairman

Regulation sa mga POGO, pinapapasyahan sa pamahalaan –Panel Chairman

KAILANGAN ng agarang pasya ng pamahalaan kung kaya ba ng pagkakaroon ng regulasyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) industry sa bansa.

Ayon kay House Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, kailangang magdesisyon ang gobyerno kung may kapasidad ba itong i-regulate ang POGO dahil sa laki ng kita dito ng gobyerno.

Lalo na’t mawawalan ang bansa ng P64.61-B na kita kung mahihinto ang operasyon ng POGO industry.

Nasa 20,000 na dagdag-trabaho rin ang papasok sa bansa bukod pa sa mahigit 16,000 trabaho na naunang naipasok sa bansa batay sa pagtaya ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Kabilang sa mga sektor na nabigyan ng trabaho sa POGO ay mula sa food and beverage services, farming and fishing activities, retail, trade, technical and administrative support services, transportation at real-estate.

Sa kabila nito, nasasangkot naman sa mga krimen ang POGO gaya ng kidnapping, murder, human trafficking, prostitution pati na ang financial crimes. 

“The whole government will have to look long and hard at itself to see whether it has the capacity and the will to properly regulate the industry so that the bad can be rooted out and the good preserved,” saad ni Rep. Fidel Nograles.

Samantala, sang-ayon naman ang Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagpapasara sa POGO.

Aniya, hindi maganda ang naidulot ng POGO sa Pilipinas na pati bata ay kayang-kayang matuto na magsugal sa pamamagitan nito.

“Para sa akin, hindi maganda itong POGO na ‘to dito sa ‘tin pati bata matuturuan mong magsugal. Kaya tama ‘yung ginawa ni President Duterte noon na ipasara,” pahayag ni Pastor Apollo.

Dagdag pa ni Pastor Apollo, nakasisira lamang ang POGO sa moralidad ng kabataan dahil kapareho rin ito ng online sabong.

“Tama ito dapat ipasara ‘to kasi nakakasira sa moralidad ng kabataan. Pati bata pwede magtaya eh. Pareho din ito ng online sabong,” ayon sa butihing Pastor.

Ani Pastor Apollo, magiging materialistic ang bansa kung ang pagbabasehan ng kahalagahan ng POGO ay ang kikitain mula rito at hindi ang moral na dapat matutunan ng mga Pilipino.

Isa rin sa ikinababahala ng butihing Pastor ay ang long-term effect nito sa moralidad ng pamayanan.

Follow SMNI NEWS in Twitter