Rehab center para sa mga batang babaeng lumabag sa batas binuksan sa Cebu

Rehab center para sa mga batang babaeng lumabag sa batas binuksan sa Cebu

BINUKSAN na sa Consolacion, Cebu ang isang regional rehabilitation center na eksklusibo para sa mga batang babaeng lumabag sa batas.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), layunin ng pasilidad na ito ang pagbibigay ng ligtas, mapagkalinga, at therapeutic na kapaligiran para sa mga kabataang babae na nasangkot sa batas.

Itinuturing ng DSWD na mahalaga ang pagkakaroon ng exclusive rehab center dahil mas mataas ang panganib ng trauma, pang-aabuso, at stigma ng lipunan sa mga batang babae.

Nais din ng DSWD na magkaroon ng ganitong uri ng pasilidad sa bawat field office sa buong Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble