NAISAKATUPARAN na ang rehabilitasyon ng 2 gusali sa Bacolor Pampanga.
Pinangunahan ni Senior Deputy Speaker of The House of Representative Congressman Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang inagurasyon at blessing ng municipal building at mini convention center sa Bacolor Pampanga matapos na pasimulan ito noong taong 2021.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ng kongresista kung paano naisakatuparan ang pagpapatayo ng nasabing mga gusali sa tulong ng Republic Act 9506 na kaniyang ipinasa sa Kongreso.
“Republic Act 9506. My first stay in office, nag-file ako ng Bacolor Rehabilitation Republic Act 9506. Totoo po iyon. Walang naniniwala sa akin,”
saad ni Cong. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Senior Deputy Speaker of the House of Representative.
“I did that because hindi kaya ng Balen Baculud na ibalik niya, itayo niyang ulit ang Balen Baculud, inisip ko ‘yon. Hanggang ngayon, para may sariling pondo ang Bacolor” dagdag ni Gonzales.
Ayon sa kasalukuyang mayor ng Bacolor na si Mayor Eduardo “Diman” Datu, nagpasimula ang pagpapatayo ng dalawang gusali noong 2021 na nagkakahalaga aniya ng P37-M na tiyak na magagamit ng mga empleyado at mga residente ng Bacolor.
“Itong convention center, nakita niyo sa tapat, at itong Executive Building, ngayon pong araw na ito, ito ‘yung blessing and inaguration. Malaking tulong po ito. This will be housing our Cabalens and our employees — dito po talaga, gagamitin natin para sa ating mga kababayan,” saad Mayor Eduardo “Diman” Datu, Municipal Mayor of Bacolor, Pampanga.
Maliban pa sa alkalde, dumalo ang kasalukuyang vice mayor ng bayan ng Bacolor na si Vice Mayor Ron Earvin Dungca.
Dumalo rin si Senior Board Member Alyssa Michaela “Mica” M. Gonzales, at City Councilor ng San Fernando Pampanga na si Aurelio Brenz P. Gonzales, maging ang mga Sangguniang Bayan Members at mga empleyado ng munisipyo.