SINIMULAN na ang rehabilitasyon ng Delpan Bridge sa Maynila nitong Martes, Hunyo 24, 2025.
Dahil dito, pinayuhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang publiko na gumamit ng alternatibong ruta.
Maaaring gumamit ng service road o dumaan sa ilalim ng Delpan Bridge habang ginagawa ito.
Isinailalim sa rehabilitasyon ang 59-taóng gulang na Delpan Bridge bilang hakbang sa kaligtasan sa gitna ng banta ng lindol.