Rehabilitasyon sa Batanes sanhi ng Bagyong Julian, pinamamadali ng Defense Department

Rehabilitasyon sa Batanes sanhi ng Bagyong Julian, pinamamadali ng Defense Department

INATASAN na ni Defense Sec. Gilbert Teodoro Jr. ang relief at rehabilitation efforts sa lalawigan ng Batanes na bilisan kasunod ng pagtama ng Bagyong Julian.

Sa naging talumpati nito sa The Maritime League Expo 2024 Blue Economy Annual Trade and Conference, sinabi ni Teodoro na kailangang makabangon muli ng Batanes sa lalong madaling panahon.

Nanawagan din si Teodoro sa lahat na sama-samang tulungan ang Batanes sa pagsasaayos sa mga nasira ng bagyo.

Nauna nang tumulak ang grupo ng Office of Civil Defense (OCD) para magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Julian.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble