Rehabilitasyon sa Marawi City, 65% nang tapos— Del Rosario

Rehabilitasyon sa Marawi City, 65% nang tapos— Del Rosario

IPINAHAYAG ni Task Force Bangon Marawi Chairperson Eduardo del Rosario nasa 65 porsyento nang tapos ang rehabilitasyon sa Marawi City.

Ito ay sa gitna ng pagsisikap ng gobyerno na matapos ang proyekto bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hunyo 2022.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Del Rosario na malaki tsansa ang makukumpleto na mga proyekto sa Disyembre.

Una nang pinangunahan ni Del Rosarion ang pagpapasinaya ng key facilities at groundbreaking ceremonies para sa pagpapatayo ng school buildings, convention center, at Sarimanok Sports Stadium sa dating battle area.

Oktubre 2018 nang sinimulan ang rehabilitasyon sa Marawi City na napinsala matapos ang limang buwan na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ISIS-Inspired Maute Rebels noong 2017.

 

SMNI NEWS