HINDI humihinto ang Philippine Army (PA) sa pagtulong sa ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo.
Katunayan patuloy na tumutulong ang mga engineering unit ng Army gamit ang kanilang mga modernong kagamitan sa ginagawang rehabilitasyon sa mga komunidad na lubhang naapektuhan ng Severe Tropical Storm Kristine (international name Trami) nitong buwan ng Oktubre.
Sa isang panayam sinabi ni Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala na idineploy na nila ang kanilang specialized bridging team sa Agoncillo, Batangas upang umasiste sa patuloy na rebuilding efforts.
Aabot naman sa 40 personnel bridging team ang gumagamit sa apat na heavy mechanized bridge systems (HMBS) units na tutulong upang mas mapabilis ang pagkumpuni sa mga kalsadang nasira ng bagyo.