Rehabilitation at reintegration, tututukan sa war on drugs ng PNP

Rehabilitation at reintegration, tututukan sa war on drugs ng PNP

TUTUTUKAN ng Philippine National Police (PNP) ang rehabilitation at reintegration sa kampanya kontra iligal na droga.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na kailangan din makasama ang pagbibigay ng hanapbuhay sa mga dating nasangkot sa iligal na gawain.

Napakalaki aniya ang naitulong ng kampanya ng nakalipas na administrasyon upang maipabatid ang problema ng iligal na droga.

Pero pinag-aaralan aniya ng PNP kung paano pa mapagbubuti ang kampanya kontra iligal na droga ng kasalukuyang gobyerno.

Siniguro din ni Azurin na magiging “unified effort” ang bagong kampanya kontra iligal na droga kung saan magiging kabahagi ang iba’t ibang ahensya, mga barangay at mga mamamayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter