Reklamasyon sa Manila Bay, walang kinalaman sa baha sa NCR

Reklamasyon sa Manila Bay, walang kinalaman sa baha sa NCR

SA paghagupit ng Habagat at Bagyong Carina ilang linggo na ang nakalipas ay nagdulot ito ng matinding pagbaha.

Naging malaking isyu pa rito ang massive flooding sa Metro Manila lalo na bandang Senado, na dating hindi umano binabaha ay biglang binaha at sinisisi sa mga reclamation project sa Manila Bay.

Pero ayon kay Atty. Alexander Lopez, ang chairman ng Philippine Reclamation Authority (PRA), hindi ang reklamasyon sa Manila Bay ang dahilan ng massive flooding.

Aniya, ang pagbaha partikular sa harap ng Senado ay pangunahing sanhi ng maling pangangasiwa sa drainage system sa lugar.

“We have a document here, even the chief of staff of our beloved Senate President Chiz Escudero has admitted that all these floods in front of the Senate was mainly caused by the mishandling of the drainage, hindi po nalinis ang drainage, at debris and other factors po. And Project Noah has also cleared the reclamation projects na walang kinalaman ang reclamation po,” pahayag ni Atty. Alexander Lopez, Chairman, PRA.

Mismong ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na rin umano ang umamin ng kanilang kakulangan sa pagpaplano o ‘yung flood control master plan.

Ito’y sa kabila ng pinagmayabang ni Marcos Jr. na nakumpletong 5,500 flood control projects ng kaniyang administrasyon.

“The DPWH on several instances have said and they have owned the lack of planning po, holistic planning for these flash floods. Eh flash floods lang po ito and we are ready to address all these flash floods,” ani Lopez.

Inihayag pa ng PRA chair na tinutukan na rin aniya ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang problema sa nagpapabagal sa daloy ng tubig kung saan isinasagawa na ang paglilinis sa mga drainage system.

‘Island reclamations,’ isasagawa ng PRA sa mga bagong reklamasyon sa Manila Bay

Samantala, ibinahagi ni Lopez na ‘island reclamations’ na ang gagawin ng PRA, kumbaga magiging isla na lahat ng bagong reklamasyon sa Manila Bay at mapapalibutan ito ng tubig.

Sinabi niya na magkakaroon ng napakalaking sea-water lake sa harap ng Sofitel sa Pasay City.

“Channel lake in front of the Sofitel to the new reclamation and we will have two iconic bridges that will connect this. So, 470 meters po.”

“Island na po lahat ng reclamation, iyan po ang ilang mga pagbabago sa ating mga reclamation projects,” dagdag ni Lopez.

“Actually, iyon po iyong reason ng—iyong design po kasi, it depends on the flood study, hydrodynamic modeling. So, because of these studies na pinagawa namin sa proponent at saka sa mga consultants, iyon po iyong naging result na dapat po ay maging island po iyong reclamation,” saad ni Atty. Joseph John Literal, Asst. GM for Reclamation, PRA.

Binanggit naman ni PRA Assistant General Manager for Reclamation Atty. Joseph John Literal na kung magiging isla ang reklamasyon, ay makatutulong ito maibsan ang epekto ng mga malakas na pag-ulan na nagdudulot ng matinding pagbaha.

“Dati po kasi, kung mapapansin ninyo iyong mga reclamation natin, nakadikit po sa lupa. Then to address iyong climate change at saka iyong iba nang dami ng rainfall, so sa naging result po ng flooding study and hydrodynamic modelling is to have wider channels doon sa mga reclamation projects. And ang result po, more than the wider channels, it’s better to have island reclamations than reclamations that are connected, extending to the land ano,” ayon pa kay Literal.

Una nang iniulat ng PRA na mula sa 13 reclamation projects sa Manila Bay, ay dalawa lamang ang inaprubahan ng gobyerno na ipagpatuloy at matatagpuan ito sa lokal na pamahalaan ng Pasay.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble