Reklamong murder at paglabag sa Anti-Terror Law ihahain na ng DOJ vs ilang CTGs member

Reklamong murder at paglabag sa Anti-Terror Law ihahain na ng DOJ vs ilang CTGs member

MAGSASAMPA na ng reklamong murder at paglabag sa Anti-Terrorism Act ang Department of Justice (DOJ) laban sa sinasabing ilang miyembro ng CPP-NPA.

Ito ay dahil sa pagkamatay ng siyam na taong gulang na bata sa Batangas nang magkaroon ng encounter ang militar at ang mga NPA noong July 18, 2022 sa Brgy. Ginhawa Batangas.

Ang mga respondents ay kinilala na sina Isagani Isita, Junalice Arante-Isita, Mariano Bico, Gilbert Orr, at iba pa na may mga alyas na Joey/Elon/Edel/Analinda/Jorel/Jonas at Ching/Marcel/Allen/Jane/Daniel.

Ang mga respondents ay armado ng M16, rifles, mga high power firearms at iba pa.

Ayon sa DOJ ang mga impormasyon patungkol sa reklamong murder at paglabag sa Anti-Terrorism Act ay ihahain sa Regional Trial Court sa Batangas.

Ayon pa sa ahensya may probable cause para sila ay litisin.

Follow SMNI NEWS in Twitter