Rekomendasyon ni VP Robredo sa pamahalaan laban sa COVID-19, sinagot ng Palasyo

Rekomendasyon ni VP Robredo sa pamahalaan laban sa COVID-19, sinagot ng Palasyo

 

WoodProfit

ISA-isang sinagot ng Malakanyang ang mga rekomendasyon ni Vice President Leni Robredo kaugnay sa Covid-19 response ng gobyerno.

 

Ito ay kasunod ng muling pagsalita si VP Robredo na ang kanyang mga suhestyon na kasama sa private letter na ipinadala sa Office of the Presidential spokesperson ay hindi pa naipatutupad ng administrasyon.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpadala na sila ng detalyadong tugon sa tanggapan ni Robredo kung saan nag-email na ang kanyang opisina sa Office of the Vice President (OVP) noong linggo ring iyon kung kailan nito ipinadala ang naturang rekomendasyon.

 

 

Inilahad pa ni Roque na nagpadala na rin sila ng hard copy noong Lunes pero sarado ang OVP dahil may mga staff na nagka-Covid, pero tiniyak naman ng kalihim na ibibigay din nila uli  ito  nang personal.

gamebank

 

Pinabulaanan naman ni Roque na tanging ang pagtanggal ng late at fresh cases ng reporting ang naipatupad.

 

Kabilang sa sulat ng bise presidente na hindi umano naipa-publish ang epidemic curve.

 

Pero ani Roque, makikita ito sa  Covid-19 tracker ng website ng Department of Health (DOH).

 

“Malinaw na malinaw po sa website na nandiyan po ‘yung epidemic curve. Kung hindi po ito’y epidemic curve baka naman po ibang epidemic curve ang hinahanap ni vice president,” ayon pa kay Roque.

 

Pangalawa naman,  ang usapin ng pagkakaroon ng online portal para sa Covid-19 ,  ipinabatid ni Roque na may nai-set-up na ang Presidential Communications Operations Office (PCOO)  na covid19.gov.ph  noong Marso pa  at ngayon mayroon ng Laging Handa  unified website na siyang official platform  ng lahat ng Covid-19  related matters.

 

 

Pangatlo, binanggit din ni Robredo na ang 30,000 target number ng daily test ay hindi pa rin aniya naaabot.

 

Tugon ni Roque, buwan ng Mayo pa lang ay umabot na sa 34,000 ang testing capacity at nitong Hulyo pumalo na sa mahigit 74,000.

 

Kaya ang target aniya ng gobyerno na 30,000 test kada araw ay naabot na ngayong buwan.

 

“Noong July 9 ay 25, 000 actual test na po tayo per day. Bakit po magkaiba ang numero sa test at testing capacity? Tulad ng halimbawa ko ang seating capacity ng jeep ay labing-dalawa. Hindi naman sa lahat ng oras ay labing-dalawa ang pasahero. Merong sampu, walo, pito, ganoon din po sa testing per day,” ayon kay Roque.

 

Maliban dito, sinagot din ng Palasyo ang  aspeto ng budget utilization, usapin sa transportasyon, edukasyon, pagdagdag ng contact tracers at komposisyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Infectious Diseases (IATF).

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.