Relasyon sa ibang bansa, dapat unahin para mapababa ang presyo ng bilihin—Roque

Relasyon sa ibang bansa, dapat unahin para mapababa ang presyo ng bilihin—Roque

MAGANDANG unahin ng Pilipinas na ayusin ang relasyon nito sa ibang bansa lalong-lalo na sa mga bansang nagbibigay ng mas maraming pagkain sa hapag-kainan ng bawat pamilyang Pilipino.

Ito ang iminungkahi ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa kaniyang programa sa SMNI News.

Ani Roque, ito ay isa sa mga hakbang para makontrol ang mataas na presyo ng bilihin ngayon sa bansa.

Samantala, ikinatuwa naman ni Roque na hindi umalis si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagiging kalihim ng Department of Agriculture.

Aniya pa, sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Pangulong Marcos bilang Pangulo at DA Secretary ay mas magiging mabilis ang paglutas sa mga problema ng bansa hinggil sa agrikultura partikular na sa suplay ng pagkain.

Matatandaan na sa isinagawang survey ng Pulse Asia ay nangunguna sa mga isyung nais tugunan ng mga Pilipino sa Marcos administration ay ang pagkontrol sa inflation, salary increase ng mga manggagawa, job creation at poverty reduction.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter