Relasyon sa pagitan ng PH Air Force at media, lalong napagtibay sa isinagawang media fellowship event

Relasyon sa pagitan ng PH Air Force at media, lalong napagtibay sa isinagawang media fellowship event

MULING napagtibay ang relasyon at ugnayan ng media at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isang matagumpay na media fellowship event na isinagawa sa headquarters ng Philippine Air Force sa Pasay City.

Dinaluhan ang aktibidad ng mismong Air Force Commanding Chief Lt. General Stephen Parreno, kasama sina AFP Chief of Staff General Andres Centino at Army Chief Lt. General Romeo Brawner, Jr.

Personal na nagpaabot ng kanilang pasasalamat ang naturang mga opisyal sa mga miyembro ng Defense Press Corps dahil sa mga tulong nito sa kanilang organisasyon sa pamamagitan ng paghahatid ng tamang balita at impormasyon sa mga aktibidad at accomplishments ng pamahalaan sa ilalim ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Sa panig ng Defense Press Corps na kinabibilangan ng iba’t ibang media entity sa bansa kasama na ang SMNI News, nangako ang grupo na magiging katuwang sila sa paghahatid ng mga napapanahong balita at serbisyo na makatutulong sa pagpapahatid ng kamalayan ng publiko sa mga programa at proyekto ng pamahalaan para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Buwan-buwan isasagawa ang media fellowship event para mapag-usapan ang iba pang proyekto ng pamahalaan at ang mga hakbang nito lalo na sa pagpapalakas ng depensa ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter