Release date ng full-length album ni Jennie Kim, inanunsiyo na

Release date ng full-length album ni Jennie Kim, inanunsiyo na

ILALABAS na finally ni Jennie Kim ang kaniyang kauna-unahang full-length album sa Marso 7, 2025!

Inanunsiyo ito mismo ng Blackpink artist sa kaniyang social media platforms.

Ang naturang album ay may 15 tracks at kasama na rito ang ‘Mantra’ na naunang inilabas noong Oktubre 2024.

Kasama ni Jennie dito ang ibang world-class artists gaya nina Childish Gambino, Doechii, Dominic Fike, Dua Lipa, Fkj, at Kali Uchis.

Sa kabilang banda, ang kapwa Blackpink artist ni Jennie na si Lisa Manoban ay magkakaroon na rin ng kaniyang kauna-unahang full-length album.

Pinamagatang ‘alter Ego’, Pebrero 28 ito matutunghayan ng lahat ng fans ayon sa sariling agency nito na LLOUD.

At si Jisoo, may teaser ding ibinahagi sa kaniyang social media account kamakailan at ilalabas ito sa Pebrero 14.

Hindi pa tiyak kung para saan ang naturang teaser subalit maaaring solo comeback ito ayon sa excited na fans.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble