Relief goods at water supplies, matagumpay na naihatid sa mga apektadong rehiyon

Relief goods at water supplies, matagumpay na naihatid sa mga apektadong rehiyon

MATAGUMPAY na naihatid ang mga relief goods at water supplies sa mga rehiyong labis na naapektuhan dulot ng bagyong Odette.

Namahagi ang United Korean Community Association (UKCA) ng relief goods at water supplies sa Philippine Coast Guard (PCG) para sa mga rehiyong nasalanta ng bagyo na pangunahing pangangailangan ang tubig at pagkain.

Ang tulong ay naiabot sa Northeastern Mindanao, Palawan, Central Visayas, Western Visayas, at Eastern Visayas lulan ng PVG vessels at private air assets sa tulong ng task group airport one-stop-shop, Office for Transportation Security (OTS), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Philippine Airlines.

Ayon kay PCG task force Kalinga Commander, Ronnie Gil l. Gavan isa ang PCG kasama ng Korean community na direktiba ni Pangulong Duterte ang sumusuporta para maibigay ang pangangailangang pagkain at tubig upang makaiwas sa diarrhea outbreak dulot ng kakulangan sa tubig ang mga residente ng apektadong lugar.

 “The PCG is one with the Korean community in supporting the directive of President Duterte to address the diarrhea outbreak in typhoon-stricken regions due to lack of potable drinking water,”ayon kay Gavan.

Ani Gavan, malaki ang pasasalamat nito sa kabutihang loob ng mga local airlines dahil sila ay nakiisa upang masigurong ligtas at mabilis na maihatid ang mga critical supplies at relief goods sa ating mga kababayan.

“We are humbled by the generosity of our local airlines to ensure the safe and swift delivery of critical supplies to our recovering kababayans,” dagdag nito.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte sa talk to the people nito na nais nitong bisitahin ang mga lugar na tinamaan ng pananalasa ng bagyong Odette para matiyak kung nagawa ba ng mga opisyal ang kanilang tungkulin ukol dito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.