Religious volunteers mula Amerika, naglunsad ng outreach program sa NBP

Religious volunteers mula Amerika, naglunsad ng outreach program sa NBP

ISANG religious volunteers ng Amazing Grace Christian Ministries, Inc. mula sa bansang Amerika ang nagsagawa ng outreach program para sa 121 persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP) partikular na sa Minimum Security Compound.

Ang naturang mga PDL ay nakatanggap ng regalong naglalaman ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.

Ang aktibidad ay bahagi ng mga programang pang repormasyon sa ilalim ng Moral and Spiritual Guidance na pinangungunahan ni CT/SSUPT Ricardo S. Zulueta, ang Superintendent NBP-MinSeCom.

Ang Bureau of Corrections (BuCor), sa pamumuno ni Director General Usec. Gerald Q. Bantag ay patuloy na nagpapasalamat sa mga Religious volunteers na walang sawang tumutulong sa mga PDL upang pagyamanin ang kanilang espiritwal na pangangailangan at relasyon sa Diyos.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Tiktok

Follow SMNI NEWS in Instagram