NASA Pilipinas na ang COEXSTAR isang kumpanya na nasa ilalim ng pamamahala ng ABA Global Philippines Inc.
Sa panahon natin ngayon kung saan nauuso ang cryptocurrency ay may kumpanya nang bukas sa Pilipinas na pwede magsilbing remittance at transfer company na may virtual currency exchange.
Higit sa lahat ito ay kinikilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas at rehistrado sa Securities and Exchange Commission.
Dahil dito, hindi kailangan mangamba ang nais maging traders na gumagamit ng cryptocurrency dahil ligtas gamitin ang COEXSTAR dahil na rin sa nire-regulatre ito ng parehong BSP at batas laban sa Anti-Money Laundering.
Ayon sa chairman ng Cedars Group na siya ring kumakatawan sa mga stock holders ng COEXSTAR ay kabilang din sila sa mga negosyo na unti-unting bumabangon matapos padapain ng COVID-19 pandemic ng ilang taon.
Kaya naman ngayon ay isang upgraded system ang hatid ng kanilang kumpanya para sa mga traders nito.
“However I am glad that we were able to overcome this crisis wisely and we were able to show that we can easily use trading services with our technologically upgraded coexstar system,” ayon kay Sangeun Lee, Chairman-Cedars Group.
Ibinahagi naman ni Kaydee Velasco ang CEO ng VI Group of Companies kung ano ang meron sa COEXSTAR.
Kaya naman kung ikaw ang may cryptocurrency ay pwedeng-pwedeng i-encash ito mapa peso man o dollar sa pamamagitan ng COEXSTAR.
Kamakailan ay isinagawa ang launching ng COEXSTAR sa market, market sa para ipakilala sa publiko ang live 24/7 updated trading platform nito at kung bakit ito ligtas gamitin.
Para sa mga nais makilala ang ABA Global Philippines Inc. at COEXSTAR ay bisitahin lamang ang www.coexstar.ph