BALIK na sa aktibong miyembro ng Kamara si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr.
Balik na sa pagiging active member ng Kamara si Rep. Arnie Teves.
Sinabi ni House Committee on Ethics and Privileges Vice Chairperson Rep. Raul Angelo Bongalon sa SMNI News, hindi pa rin pinapahintulutan si Rep. Teves na sumali sa anumang session o aktibidad na gagawin sa Mababang Kapulungan.
Binigyang-diin ni Bongalon na maaari lang sumali sa anumang aktibidad sa Kamara ang isang mambabatas sa pamamagitan ng video teleconferencing kung manghihingi ito ng permiso dahil sa isang valid na rason.
Para kay Teves, wala namang importanteng aktibidad ito ayon kay Bongalon para hindi makadalo ng pisikal sa mga aktibidad sa Kamara.
Nagtapos ang pangalawang suspension order laban kay Teves noong Hulyo 31.
Sa ngayon ay wala pang ginagawang pakikipag-ugnayan si Teves sa kanila at nananatiling caretaker sa distrito niya si House Speaker Martin Romualdez.
Samantala, bagamat naibalik na ang privileges ni Teves bilang aktibong miyembro ng Kamara ay naka-freeze naman sa kasalukuyan ang mga ari-arian dahil sa pagkakadeklara sa kaniya bilang terorista.