Rep. Barbers, isinusulong ang pagkakaroon ng mga korte para lamang sa drug cases

Rep. Barbers, isinusulong ang pagkakaroon ng mga korte para lamang sa drug cases

ISINUSULONG ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagkakaroon ng mga korte para lamang sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Ito’y para maresolba ang halos 300-k o 72% na drug cases na nananatiling naka-pending ayon sa datos ng mga police at iba pang ahensiya mula noong taong 2000 hanggang 2022.

Ayon kay Barbers, posibleng dahil sa congested na trial courts kung kaya’t matagal na natutugunan ang mga nakahaing drug case.

Sa pamamagitan din ng House Bill No. 9446 na kaniyang inihain na naglalayong magkaroon ng dangerous drug courts ayon kay Barbers, mapapabilis ang paglalabas ng court orders para sa pagsira o pagkumpiska ng mga ilegal na droga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble