KINUWESTIYON ni Rep. Drixie Mae Cardema ang Quad Comm sa pagkondena nito sa dalawang most trusted leaders ng bansa.
“Sa NPA, nire-recruit ang mga kabataan para pabagsakin ang gobyerno at pumatay ng mga pulis, sundalo, at tropa ng gobyerno. Hindi n’yo naman kinokondena ang pagpatay nila. Ang kinokondena n’yo ngayon ay ang dalawang naging most trusted leaders ng bansa na todo effort protektahan ang milyun-milyong mga Pilipino,” pahayag ni Rep. Drixie Mae Cardema, Duterte Youth Party-list.