Rep. Sandro Marcos, sinagot ang naunang pagtutol ni Sen. Imee Marcos sa Maharlika Investment Fund

Rep. Sandro Marcos, sinagot ang naunang pagtutol ni Sen. Imee Marcos sa Maharlika Investment Fund

NILINAW ni Presidential son at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na hindi gagamitin ang pension para ipampondo sa panukalang Maharlika Investment Fund.

Sa naunang komento ni Senator Imee Marcos sa isinusulong na sovereign wealth fund o ang Maharlika Investment Fund Act ay nagpahayag ang senadora ng pangangamba.

“To be fair, hindi ko pa nababasa ang bill. Pero ako kinakabahan sapagka’t sa panahong ito na ang sama ng ekonomiya pati ang World Bank sabi bagsak na bagsak sa susunod na taon sa 2023. Sa kalagitnaan, lalala pa raw. Diyos ko! Papaano na lang tayo,” pahayag ni Sen. Imee.

Layon ng panukala na gamitin ang pondo mula sa government financial institutions gaya ng SSS, GSIS at Landbank at iba pa upang ipang-invest at palaguin.

Mga pagkukunan sa pondo ng Maharlika Investment Fund:

–     Government Service Insurance System- P125 Billion

–     Social Security System- P50 Billion

–     Land Bank of the Philippines- P50 Billion

–     Development Bank of the Philippines- P25 Billion

–      National Government- P25 Billion

Source: House of Representatives

Kalaunan, nagbago ang pananaw ng senadora at iginiit na maganda ang panukala subalit dapat sa mga investment sa loob ng Pilipinas ilagak ang pondo.

“Dapat kahit sovereign fund ang tawag, sa Pilipinas lang lahat ang investment! Wag naman “domestic and FOREIGN corporate bonds” (Section 11c) Kung wala tayong kumpyansa sa sarili, sino pa ang bibilib at mamumuhunan sa Pilipinas?” ayon sa senadora.

Para sa pamangkin nito na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, welcome development ang komento ng senadora para mahimay at mapagtibay ang panukala.

“It’s good to have a concern. It’s good to be invested in the process of crafting the legislation to ensure that it is not only robust. It stands the test of time. That is the whole point of this exercise,” pahayag ng batang Marcos.

Tiniyak naman ng batang Marcos hindi mawawaldas ang pera ng mga pensioner.

Lalo na’t marami ang tutol na gamitin ang pension funds ng government financial institutions para ipang-invest.

“The GSIS and all these corporations do already have investible funds. Hindi po galing sa pension. It will be taken from the investible funds that are already there. Those corporations already invest in real and financial assets through those investible funds. They do not use the pension money. So instead of being used individually, those investments will just be pulled into the sovereign wealth fund. Hindi po hahawakan ang pension ng ating mga kababayan,” ayon sa kongresista.

Dinepensahan din ni Rep. Marcos kung bakit ang Presidente ng bansa ang magiging chairperson ng itatayong Maharlika Wealth Fund Corporation na mamamahala sa sovereign wealth fund.

Sa kasong ito, ang kanyang ama na si Pangulong Bongbong Marcos.

“Of course, it’s been politicized, but the whole point of this exercise is that this corporation will be free from politics. This is not something for the next six years, this is something that will keep on going,” ayon kay Sandro.

Natitiyak din ni Marcos na walang pulitika sa panukala dahil technocrats ang mamamahala sa pondo.

Tinitiyak din ng batang Marcos na sapat ang safeguards ng bill.

Pati na ang proper representation ng bubuing board ng korporasyon.

Para naman kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, hindi na bago ang ideya ng sovereign wealth funds.

Dahil ang mga kapitbahay nating bansa sa Asya ay nakatulong ito sa kanilang paglago.

“Sovereign wealth funds are not new.  Singapore, for example, has had Temasek Holdings since 1974 and the Government of Singapore Investment Corporation since 1981.  There are more than 20 sovereign wealth funds in the Middle East.  Even in the Philippines, the idea is not new – then Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino filed a bill to create such a fund in 2016,” ayon kay Arroyo.

Ayon naman sa batang Marcos, naunang pinag-isipan ng Duterte administration ang sinusulong nilang panukala.

“Well if you think about it, this isn’t a new idea. Sec. (Benjamin) Diokno already said they were looking at it during the time of [President Rodrigo] Duterte. If I’m not mistaken, former Senator Bam Aquino filed a bill in 2016 trying to do the same thing,” saad ni Sandro.

Ngayong hapon December 5, 2022, nagkaroon ng consultation hearing sa Kamara kasama ang lahat ng government financial institutions na pagkukunan ng kapital ng MIF.

At lahat ito government corporations na ito ay kasama sa binuong technical working group sa Kamara.

Follow SMNI News on Twitter