TINIYAK ni 1Tahanan Party-list Representative Nathaniel “Atty. Nat” Oducado na isusulong nito ang mga panukalang batas na magpapaangat sa maritime sector sa bansa.
Kasunod ito ng pakikipagpulong ni Oducado sa mga opisyal ng Maritime Industry Authority (MARINA) upang talakayin ang mga panukalang ihahain sa 20th Congress na magpapabuti sa maritime industry.
Kabilang sa key proposals na inilatag ng MARINA ay ang pagpapalakas sa Philippine Ship Registry.
Sa pamamagitan nito ay mas maraming Filipino-owned ships ang maglalayag habang ipinagmamalaki ang ating watawat na tumatalima sa international standards.
“This is one of the legislative priorities I am determined to push forward, because I believe that a strong maritime industry is crucial not only in boosting economic our economy through trade and transportation, but also in creating jobs, driving regional development, and strengthening national security,” giit ni Oducado.
Bukod dito, natalakay din sa pulong ang pagpapaunlad sa shipbuilding at ship repair (SBSR) industry, na may malawak na potensyal upang iposisyon ang Pilipinas bilang isang “maritime innovation” at “skilled labor hub” sa Asya.
“The Philippines is among the top leading shipbuilding group in the world producing 805,938 in gross tonnage (GT). Our country is abundant in deep-water spaces for port and shipyard development. We have a long history in the art of seafaring and shipbuilding”, dagdag pa niya.
Ipinaliwanag ni Oducado na ang bansa ay isang “premier source” ng sea-based manpower na may 578,672 seafarers, base sa datos ng MARINA noong 2023.
Iginiit ng mambabatas na mayroong shipyards ang Pilipinas na nagsisilbi sa ship repairers, boatbuilders at shipbreakers sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa.
“60% of the shipyards own or utilize shipways and 66% of the 186 shipyards need rehabilitation”.
Binigyang-diin pa ni Rep. Oducado na ang Pilipinas ay itinuturing na maritime country, bilang ito ay isang archipelagic nation na binubuo ng mahigit pitong libong isla.
Hindi lamang aniya natural borders ang karagatan kundi nagsisilbi ring economic lifelines, strategic assets at malaking bahagi ng kultura at pagkakakilanlan.
Naniniwala si Oducado na milyun-milyong Pilipino ang umaasa sa karagatan para sa kanilang kabuhayan, mula sa pangingisda at paglalayag hanggang sa international trade at maritime labor.
“Strengthening this sector is not just beneficial for us, it is essential to the country’s national development”.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Maritime Industry Authority Facebook Page.