Rep. Pulong Duterte, may hamon sa Quadcomm

Rep. Pulong Duterte, may hamon sa Quadcomm

KAKASA si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte sa anumang imbestigasyon hinggil sa umano’y pagkakasangkot niya sa illegal drugs issue.

Kondisyon lang ng kongresista, dapat ‘credible’ ang mag-iimbestiga rito dahil wala naman aniya siyang itinatago.

Dapat hindi rin aniya nakabatay ang imbestigasyon sa anumang chismis na kanilang nasagap gaya ng isiniwalat ni Jimmy Guban, ang nakulong nang dating Bureau of Customs (BOC) intelligence officer.

Si Guban ang nagsabi na sangkot umano si Cong. Pulong at buong Duterte family sa isyung may kaugnayan sa illegal drugs.

Taong 2018 ayon sa nakulong na dating-BOC officer nang mag-import ang mga Duterte ng P6.8B na shabu.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter