Rep. Quimbo, inaming mahirap patunayan kung sino ang nasa likod ng mga smuggling

Rep. Quimbo, inaming mahirap patunayan kung sino ang nasa likod ng mga smuggling

MAHIRAP patunayan ang smuggling dahil kinakailangan ng konkretong mga ebidensiya.

Ito ang inamin ni Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo sa panayam ng SMNI News.

Sa kabila aniya ito ng kanilang kagustuhan na maresolba ang isyu ng smuggling.

Mas nagiging mahirap pa aniya kung nagmimistulang humihinto na ang isang iniimbestigahan sa isyu dahil posibleng gumagawa lang ito ng hakbang para ipagpatuloy ang smuggling.

Gaya na lang ngayon kay Leah Cruz o mas kilala bilang “Mrs. Sibuyas” dahil ayon sa ulat, taong 2014 nang una siyang nasita at naimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Hiling ngayon ni Rep. Quimbo, kung sinumang may ebidensiya o impormasyon na hawak ay ilapit na sa kanila.

Follow SMNI NEWS in Twitter