HINIHIKAYAT ni Quezon City Rep. Marvin Rillo ang mga high school graduate na kumuha ng kursong nursing sa kolehiyo.
Ito’y para masolusyonan ang kakulangan ng mga nurse sa bansa.
Sa kasalukuyan, nangangailangan ang bansa ng 127-k na mga nurse subalit sa 2030 ay posibleng aabot na ito sa 250-k.
Kasabay rin nito, ipinapanukala rin ni Rillo ang House Bill No. 5276 na layong maitaas ang monthly pay ng entry-level ng mga nurse sa pampublikong ospital.
Mula sa dating P36,619 na buwanang sahod ay itataas ito sa P63,997.