Repatriation ng mga Pilipino mula Lebanon, sisimulan sa Agosto 16

Repatriation ng mga Pilipino mula Lebanon, sisimulan sa Agosto 16

INAASIKASO  na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriation ng mga overseas Filipino workers mula sa Lebanon.

Ayon sa DFA plano nilang mapauwi ang Filipino repatriates na lulan ng chartered flight kasama ang apat na labi ng mga Pilipinong nasawi sa pagsabog ngayong Agosto 16.

Sa huling ulat ng DFA, nasa 42 ang nasugatan, apat ang nasawi at 2 ang nawawalang Pinoy sa nangyaring malagim na pagsabog sa Beirut, Lebanon.


Sa panayam ng SMNI News kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Atty.  Hans Leo Cacdac, hindi pa matukoy kung ilang OFW ang pauuwiin dahil patuloy pang inaasikaso ang mga exit clearance ng mga Pilipino at ikinokonsidera din ang airport sa Beirut ay naapektuhan din sa nangyaring pagsabog.

Pero ayon kay Cacdac, gagawin nila ang lahat ng paraan para mapauwi ang mga Pilipinong nasa Lebanon.

Dagdag pa ni Cacdac, kung hindi rin sasagutin ng mga employer ng mga OFW ang kanilang pagpapauwi, ang gobyerno na ang bahala sa mga gastusin ng mga ito.

Kahit ang mga undocumented Pilipino ay nakahanda rin aniyang  tulungan ng Philippine government para sa kanilang repatriation.

Ayon pa kay Cacdac, sa panahon na ganitong repatriation ay wala ng pipiliin maging ang OFW man ay documented o undocumented.

Posible ring mapapauwi ang nasa mahigit 33K na mga Pinoy mula sa Lebanon.

Samantala ayon sa DFA nasa 124,717 na ang kabuang bilang ng mga napauwi Pinoy mula sa iba’t-ibat dako ng mundo  simula ang pananalasa ng COVID-19 pandemic.

Sa bilang na nabanggit 49,655 OFWs ay sea based at 75,062 OFWs ay land based.

Maganda ring balita para sa Department of Labor and Employment o DOLE dahil naaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P5 bilyong dagdag pondo at tulong para sa repatriation at assistance sa mga OFW na apektado ng pandemya.

Nakapanayam ng SMNI ang isang OFW mula sa Lebanon at nasabi nito na halos sa mga Pinoy sa nasabing bansa ay gusto nang umuwi dahil sa tatlong krisis ang kanilang kinahahrap.

Una ang COVID-19 pandemic, ang nangyaring pagsabog, at ang krisis ng kurapsyon ng bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.