Reporma sa NAIA, dapat maramdaman na sa susunod na taon—DOTr

Reporma sa NAIA, dapat maramdaman na sa susunod na taon—DOTr

NASA 32 milyong pasahero lamang ang kapasidad ng Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) bawat taon.

Pero sabi ng Department of Transportation (DOTr) aabot sa 50 milyon kada taon ang dami ng mga pasahero sa NAIA.

Ang resulta, nagiging congested ang paliparan kaya naman hindi na nakapagtataka na madaling masira ang mga pasilidad at kagamitan sa NAIA.

Elevators, escalators at maging ang walkalators ay madali na ring nasisira dahil sa hindi kontrolado ang pagdagsa ng mga pasahero sa NAIA.

Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na dapat sa susunod na taon ay maramdaman na ang pagsisimula ng reporma sa Paliparan.

Sabi din ni Bautista nakikipag-ugnayan na rin sila sa Bureau of Immigration (BI) sa pamamagitan ng Department of Justice (DOJ) para sa karagdagang immigration counter na pangunahing suliranin sa mga umaalis na pasahero sa bansa, dahil umaabot ng ilang oras sa pila bago ito makarating sa boarding gate.

“Siguro ‘yung immigration counter diyan sa terminal 3 dadagdagan na natin by almost 20% na kaagad, magkakaroon pa tayo ng additional counters and at the same time dadagdagan natin ang automotive system nila,” ani Sec. Jaime Bautista, DOTr.

Ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) ang bagong consortium na pinangungunahan ng San Miguel Corp. ang nagwagi sa proyektong privatization sa NAIA.

Sa ilalim ng kanilang pamumuno ay magkakaroon na ng malinis at mas komportableng NAIA bago mag-Semana Santa sa susunod na taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble