IMINUNGKAHI ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile kay Negros Oriental Third District Representative Arnie Teves na dapat umuwi na ito ng Pilipinas.
Sa kaniyang programa sa SMNI News, sinabi ni Enrile na dapat nang umuwi sa bansa si Teves para harapin ang kasong isinampa laban dito kaugnay sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Matatandaan na itinuro si Teves bilang mastermind sa pagpaslang kay Degamo bagama’t bumaliktad na ang mga testigong suspek sa kaso.
Nanatili namang nanindigan si Teves na takot itong umuwi ng Pilipinas dahil sa banta sa kaniyang buhay.
Dahil dito, kinuwestiyon din ni Enrile si Teves kung mayroon pa ba itong tiwala o kumpiyansa sa justice system ng bansa.