Republic of Mindanao, hindi imposible

Republic of Mindanao, hindi imposible

SERYOSO ang dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at iba pang may taya sa nagsusulong na maghiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ni First District Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, pero ang tanong ng marami sa ating mga kababayan? Puwede ba itong mangyari?

“And Mindanao is rich, but of course kung mag-separate, independent to at magpunta lahat dito ang Pilipino,” ayon kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

May namumuong kilusan sa dakong timog ng bansa, isang kilusan na nilalayong maghiwalay sa Republika ng Pilipinas.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinag-usapan ang paghihiwalay ng Mindanao.

Sa katunayan si Atty. Reuben Canoy na nagsilbing alkalde ng Cagayan de Oro mula 1971-1976 ay isinulong na ito.

Sa libro na isinulat ni Canoy noong 1979 na pinamagatang “Real Autonomy: The Answer to the Mindanao Problem” at iminungkahi niya na ang paghihiwalay ng Mindanao sa Republika ng Pilipinas ang siyang solusyon upang matuldukan ang problema sa insurhensiya sa rehiyon.

Mula nang naisulong ito noong dekada 80, hindi na ulit naisulong ang ideyang ito.

Ngayon ay inulit sa naging pahayag ni dating Pangulong Duterte.

Posible nga ba ito o hindi?

Ayon kay dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa kaniyang programa sa Sonshine Media Network International (SMNI), hindi imposibleng mangyari ito.

“Lahat naman ‘yan posible, ‘yung deklarasyon ng revolutionary government posible, lahat yan possible. Nothing is impossible under the sun. Kaya lang sabi ko kay Presidente, kailangan ikaw ang manguna diyan, ikaw ang the face, hindi ang ibang tao,” ayon kay Atty. Salvador Panelo.

Pero hindi ito sinang-ayunan ng ilang mambabatas.

“Ilan ba kami taga-Mindanao, that is there opinion we don’t share the same idea, ayaw namin humiwalay,” ayon kay Cong. Manuel Jose Dalipe, 2nd District, Zamboanga City.

“With due respect to the former President, I think right now the last thing magkagulo-gulo, magkawatak-watak ang bansa. Ang akin diyan slow down muna ang away, ang importante ngayon ang kapakanan ng taumbayan,” ayon kay Sen. Migz Zubiri.

Pero kung si Atty. Panelo ang tatanungin, walang magagawa ang mga mambabatas kung ang taumbayan ang magdedesisyon.

“Kung hindi sila pumayag, paano kung mag-alsa ang buong Mindanao. So ‘yung taumbayan pa rin ang importante? Kahit hindi sumang-ayon ang mga mambabatas.

Palaging sovereignty resides on the people and all authority emanates in them. So, it’s not impossible? So hindi imposible ‘yan,” dagdag ni Panelo.

Pahayag ni FPRRD na humiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas, hindi maituturing na sedition—Panelo

Nanindigan naman si dating Pangulong Duterte na ang kanilang pagsusulong ng Republic of Mindanao ay hindi isang rebellion o sedition.

“I would not be—hindi naman rebellion, hindi ‘yan sedition. There’s a process in that. I think before the UN, where you would gather signatures from all sorts in Mindanao, magpirma. Verified, under oath in the presence of so many people. Design that we want a separate… kaya’t kung ganon lang kayo diyan sa Luzon pati sa Visayas. Bahala kayo. Nandito man sa atin lahat,” dagdag ni Dating Pangulong Duterte.

Bagay na sinang-ayunan din ni Panelo, dahil bahagi ito ng karapatan ng malayang pamamahayag ng dating Pangulo.

“With that declaration do you consider that seditious? Hindi, unang-una wala naman puwersa, wala namang intimidation, that is part of freedom of expression, so there’s nothing wrong? Wala,” ani Panelo.

Naniniwala si Cong. Pantaleon Alvarez na may magandang patutunguhan ang Mindanao kapag ito ay humiwalay sa Republika ng Pilipinas.

Ginawa nitong ehemplo ang matagumpay na pagkalas ng Singapore sa Malaysia na kasing laki lamang ng Siargao na pinangunahan ni Lee Kwan Yew.

Kung hindi aniya kumalas ang Singapore sa Malaysia ay nanatili itong 3rd World Country kumpara sa estado nito ngayon na first world na.

Binigyang-diin ni Cong. Alvarez na hindi malayong mangyari sa Mindanao ang matagumpay na pagkalas na ginawa ng Singapore.

Aniya ang susi ng pag-unlad pa lalo ng Singapore ay ang good governance, bagay na mayroon ang mga pinuno ngayon ng Mindanao  gaya na lamang ng brand of leadership ng mga Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble