TATANGGALIN na ng China ang negative COVID-19 test result para sa papasok na mga biyahero sa kanilang bansa.
Sisimulan ito ngayong Miyerkules, Agosto 30 batay kay Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin.
Noong Disyembre 2022 ay tinapos na rin ng China ang kanilang Zero-Covid Policy.
Sa pulisiyang ito ay humina ang ekonomiya ng China at tumaas ang kanilang unemployment rate.