Residente sa Batangas, apektado ang kalusugan dahil sa volcanic smog ng Bulkang Taal

Residente sa Batangas, apektado ang kalusugan dahil sa volcanic smog ng Bulkang Taal

APEKTADO na ang kalusugan ng ilang mga residente sa bayan ng Laurel sa Batangas dahil sa mas lumalang volcanic smog o vog na nanggagaling sa Bulkang Taal.

Sinabi ni Laurel, Batangas Mayor Lyndon Bruce na nagkaroon na ng ubo at iba pang respiratory problems ang mga residente ng kaniyang nasasakupan dahil sa vog.

Inabisuhan naman nito ang mga residente na magsuot ng mask at nakikipag-ugnayan na rin siya sa bawat barangay upang mamahagi ng mga face mask.

Nauna na ring sinabi ng mga health official na nasa 100 na residente na karamihan ay mga kabataan ang nakaranas na ng respiratory problem kabilang na ang asthma.

Sa ngayon ay suspendido pa rin ang klase sa Laurel, Batangas upang masiguro ang kalusugan ng mga bata.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter