Residential area na ginawang tambakan ng mga basura sa Buhangin, Davao City, nilinis ng SPM volunteers

Residential area na ginawang tambakan ng mga basura sa Buhangin, Davao City, nilinis ng SPM volunteers

NAGPAPATULOY ang Nationwide Cleanliness Drive at Tree Planting Activity na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa iba’t ibang panig ng bansa.

Napili ngayon ang Brgy. Communal, Buhangin District, Davao City kung saan nagbayanihan sa paglilinis ang mga boluntaryo ng Sonshine Philippines Movement (SPM) para sa programang “Kalinisan: Tatag ng Bayan”.

Kaninang alas-otso ng umaga, masayang nagtipon-tipon ang mga boluntaryo sa barangay hall ng Brgy. Communal dahil excited sila na makiisa sa isang makakalikasang gawain.

Katunayan, kahit nakasuot sila ng purple shirts na may tatak ni Pastor Apollo, karamihan sa mga boluntaryo ngayon ay non-KOJC members pero mga taga-suporta ng ating Butihing Pastor.

Buo ang kanilang suporta sa adhikaing ito na mapangalagaan ang Inang Kalikasan, at walang pag-aalinlangan nilang hinarap ang mga basurang nagmistulang dumpsite.

Ayon sa mga residente, hindi maiwasan ng mga tao ang pagtatapon ng basura dahil nakasanayan na nila ito kahit pa may karatulang ‘bawal magtapon dito’.

Tila naging dumpsite na ito ng ilang mamamayan sa tuwing hindi nila mahintay ang taga-kolekta ng basura. Sa halip na itabi at hintayin ang garbage collector, dito nila ito itinatapon.

Dahil dito, naging tapunan na rin ito ng ibang mga dumadaan.

Sako-sako ng samu’t saring basura, balat ng sitsirya, mga lata, tuyong dahon, plastic bottle, at marami pang mga karaniwang basura ang nilinis ng mga boluntaryo suot ang kanilang mga gwantes.

Binigyang-linaw naman ng lokal na pamahalaan na tapat sila sa schedule ng pagkolekta ng mga basura. Iyon nga lang, hindi pa rin nila makontrol ang komunidad sa pagtatapon ng mga basura na hindi nila akalaing hahantong sa ganito karami.

Nagpahayag naman ang lokal na ahensiya na imomonitor nila ang lugar at pupuntahan ang mga residenteng naapektuhan ng mga nagkalat na basura upang maiwasan ang mas malawakang pagkalat pa ng mga ito.

Bilang tugon sa hamon ng kalikasan, nakiisa ang mga supporter ni Pastor Apollo sa pamamagitan ng Sonshine Philippines Movement (SPM) katuwang ang City Environment and Natural Resources at mga opisyales ng Brgy. Communal.

Dahil dito, malaki ang pasasalamat ng mga residente at maging ng lokal na pamahalaan sa inisiyatibong ito.

Halos lahat din ng mga boluntaryo ay saludo at buo ang suporta kay Pastor Apollo sa nagpapatuloy na adhikain na siyang malaking tulong sa pagpapanumbalik sa ganda ng Inang Kalikasan at pagbibigay ng mas ligtas na komunidad na malayo sa sakit na maaaring dalhin ng mga basura kung mapababayaan.

#KalinisanTatagNgBayan

#OneTreeOneNation

#PastorApolloParaSaKalikasan

#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble