Restored Metropolitan Theater, nakatakdang magbukas sa Abril

NAKATAKDANG muling magbukas ang newly restored Metropolitan Theater sa Abril ngayong taon.

Ayon sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) National Historical Commission of the Philippines (NHCP), target nito matapos ang restoration ng MET bago ang ika-500 anibersaryo ng Mactan Victory sa Abril 27.

Ito ay upang mai-daos ang Quincentennial Evening Show sa naturang teatro na isa sa pinakamatandang performance venues sa bansa.

Ang nasabing event ang siya ring magmimistulang maiden show ng MET makalipas ang 25 taon mula nang isara ito noong 1996.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.