MAHABA na ang pila ng mga nag-aabang sa labas ng Supreme Court para sa paglabas ng resulta ng 2024 Bar Examinations.
Ilalabas ito sa malaking screen sa Supreme Courtyard mamayang hapon.
Ila-livestream din mamaya ang mga resulta sa official social media page ng SC.
Matatandaan na mahigit 10,000 ang kumuha ng BAR Exam noong nakaraang Setyembre.