Resulta ng imbestigasyon ng COMELEC vs Smartmatic, posibleng lumabas sa susunod na linggo

Resulta ng imbestigasyon ng COMELEC vs Smartmatic, posibleng lumabas sa susunod na linggo

INIHAYAG ng Commission on Elections (COMELEC) na posibleng sa susunod na linggo, araw ng Miyerkules lalabas ang resulta ng imbestigasyon nila laban sa Smartmatic.

Ayon sa komisyon, nagtatangka ang Smartmatic na makasama sa bidding para sa gagamiting sistema sa midterm elections.

Pag-amin ni COMELEC chairman George Erwin Garcia, kasama ang Smartmatic sa unang pre-bid conference at nakabili ng pre-bid documents.

Pero nilinaw naman ni Garcia na nakadepende pa sa desisyon ng COMELEC En Banc kung madidiskuwalipika ito o hindi.

Ang disqualification ng Smartmatic sa bidding ay nakadepende rin sa resulta ng ginagawang imbestigasyon ng komisyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter