Resulta ng Palawan plebiscite, inaasahang lalabas sa Marso 16

INAASAHAN ng Commission on Elections (Comelec) na lalabas ang resulta ng Palawan plebiscite sa Marso 16 tatlong araw matapos ang nakatakda nitong botohan sa Marso 13.

Mula dito ay malalaman kung mahahati ang Palawan sa tatlong probinsiya o hindi.

“March 16 is our expected date. Of course, allow us a range on this since we have to take into account the weather also and other circumstances,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez.

Para naman kay Commissioner Antonio Kho, Jr., commissioner-in-charge ng Palawan plebiscite, hindi kakayanin na mailabas ang resulta sa parehong araw dahil manual system lang ang pagboto.

“This plebiscite is a manual elections. This is not automated, wherein after the polls, precincts will immediately transmit the results to the municipal canvassing until it reached the national canvassing. That will be fast since it is electronically transmitted,” ayon kay Kho.

Nangangahulugan aniyang manuwal ang pagbilang ng boto ng presinto at ito ay pisikal na ililipat sa municipal board of canvassers.

“So it will take time. There is travel time. Please understand that there is travel time unlike electronic voting,” ayon pa sa opisyal.

Dahil sa sitwasyon ay hiniling ni Kho ang pag-unawa ng publiko.

“I will ask our voters to please have patience since we are in a manual election. We cannot expect results within a day. Although as mentioned earlier hopefully we could get the final results by the 16th, although it may give or take a day or two so that we could determine if it is a “Yes” or is it a “No”. Please understand the situation, we have a different system on this plebiscite,” ani Kho.

Tiniyak naman ni Kho na handa na sila sa nakatakdang referendum ngayong darating na Sabado, Marso 13.

“I assure everybody that is all systems go. The Comelec people all over Palawan are ready to conduct this plebiscite. We need you support. Please cooperate with us,”aniya pa.

(BASAHIN: Pagsuot ng face shield sa Palawan plebiscite, hindi mandatoryo —Comelec)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.