MATAGUMPAY na naisagawa ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang resupply mission para sa mga sundalong naka-deploy sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Noong Huwebes, Setyembre 26 nang isagawa ang misyon.
Sa pahayag ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, walong Chinese vessels ang namataan malapit sa Ayungin Shoal subalit wala naman itong ginawa laban sa kanilang civilian boat na MV Lapu-Lapu.
Kamakailan lang ay nag-pullout ang BRP Teresa Magbanua mula sa Escoda Shoal at umuwi ito sa Palawan matapos ang limang buwan.
Sinasabing rason nila ang pagkaubos ng kanilang suplay at ang pagkakasakit ng kanilang personnel.