Retiradong pulis, patay sa ambush sa South Cotabato

Retiradong pulis, patay sa ambush sa South Cotabato

NASAWI sa ambush ang isang retiradong pulis na nagsisilbing hepe ng mga barangay tanod sa bayan ng Tupi, South Cotabato nitong Biyernes ng hapon, Enero 2, 2025.

Kinilala ni Lt. Richard Ho, Deputy Police Chief ng Tupi, ang biktima na si Teodorico Bastan, 79, isang retiradong senior police officer 3 mula sa Brgy. Datal Bob, bayan ng Tboli.

Sa ulat, magka-angkas si Bastan at ang kaniyang asawa na pauwi na sana sa Brgy. Datal Bob mula sa Brgy. Simbo, Tupi nang harangin sila ng dalawang suspek na hindi pa nakikilala at sakay rin ito ng motorsiklo nang sila’y pinagbabaril.

Nagtamo si Bastan ng mga tama ng bala sa ulo at katawan na agad niyang ikinamatay habang nakaligtas naman ang kaniyang asawa.

Ayon kay Lt. Ho, posibleng may kaugnayan ang pananambang sa tungkulin ni Bastan bilang hepe ng mga tanod ng Brgy. Simbo.

Nagpapatuloy rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy at mahuli ang mga suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble