PORMAL nang nilisan ni outgoing PNP Chief P/Gen. Benjamin Acorda Jr. ang Philippine National Police (PNP) ngayong araw ng Lunes Abril 1, 2024.
Kasunod ito ng pagtatapos ng tatlong buwang extension na ibinigay sa kaniya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para pangunahan ang buong hanay ng PNP.
Isinagawa ang retirement honors para kay Acorda sa Transformation Oval ng Kampo Krame kaninang alas-9 ng umaga.
Sa ilalim ng pamumuno ni Acorda, nakilala siya bilang “humble servant” kung saan, kaniya ring ipinakilala ang “serbisyong nagkakaisa”.