Retiring PNP Chief PGen. Azurin, ginawaran ng testimonial parade sa PMA

Retiring PNP Chief PGen. Azurin, ginawaran ng testimonial parade sa PMA

GINAWARAN ng testimonial parade si retiring PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City, araw ng Sabado, April 22, 2023.

Bahagi ito ng tradisyon ng PMA sa mga opisyal nito na magtatapos sa kani-kanilang serbisyo.

Si Azurin ay gradweyt ng PMA Class “Makatao” 1989.

Nauna nang sinalubong ni PMA Superintendent LtGen. Rowen Tolentino ang pagdating ni  Azurin sa nasabing akademiya.

Sa kaniyang mga pahayag, iginiit ni Azurin na wala siyang pinagsisisihan sa ilalim ng kaniyang halos 9 na buwang panunungkulan bilang hepe ng Pambansang Pulisya.

Aniya, napagtagumpayan nito ang mga hamon ng organisasyon partikular na ang pagsisiwalat ng mga taong nasa likod ng malawakang transaksiyon sa isyu ng iligal na droga.

Follow SMNI NEWS in Twitter