Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, pinasalamatan dahil sa malaking ambag sa bayan

Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, pinasalamatan dahil sa malaking ambag sa bayan

DALAWANG personalidad ang dumalaw nitong Lunes kay SMNI Honorary Chairman Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy.

Unang nag-courtesy call ay si National Youth Commission (NYC) Chairperson and CEO Ronald Cardema sa butihing Pastor.

Ayon kay Cardema, lubos siyang nagagalak dahil matagal na niyang ninais na makadaupang palad si Pastor Apollo.

“Napakaganda po ng ano… Actually napakaganda po sa pakiramdam. Parang gumaan lahat ang burden ng isang nagtatrabaho sa gobyerno,”  ayon kay Cardema.

Ayon naman kay dating Batangas Governor Tony Leviste, labis niyang na-miss ang malapit na kaibigan na hindi niya nabisita buhat nang tumama ang pandemya sa bansa.

“It was very enlightening and it is the fulfillment of my visit to Davao. I came for the oath taking of Sara but it is my visit with the Pastor whom I have known well as President Duterte and I have always been a guest of the Pastor on all his birthdays,” ayon naman kay Leviste.

Kapwa naman nila pinasalamatan si Pastor Apollo dahil sa malaking ambag nito para sa bayan.

Lalo na ang mga payo nito sa mga pangunahing ganap at talakayan sa bansa.

At ang mga spiritwal na gabay nito para sa lahat.

“Without it, it will be worth off. I hope that he continues to do so and help to improve the moral values of the Filipino. That’s what’s important now,” dagdag ni Leviste.

“Kung wala si Pastor na nagbibigay ng words of encouragement sa ating mga sundalo at pulis at sa ating mga kabataan lalo na kung wala ang SMNI- ang kaisa-isang media outlet na tumutulong dito sa laban sa NPA, hindi makikita ng ating mga kababayan ang totoong enlightenment sa isyu na to,” ani Cardema.

At dahil sa hindi pangkaraniwang pagkakataon na nakasama nila ang butihing Pastor, narito ang kanilang mensahe para kay Pastor Apollo.

If I don’t see him in person, I see him at least every Sunday for the sermon. And when I have the time, 24/7 the SMNI comes with his lectures and sermons. I will continue to consider Him as my inspiration and always be the light of my life.”

“Maraming salamat po Pastor Apollo C. Quiboloy, Sir salamat po tinanggap niyo po kami dito, binigyan niyo kami ng words of wisdom kung anong magandang gawin sa ating bayan sa ating mga kabataan,” mensahe ni Cardema sa butihing Pastor.

Kamakailan ay dumalo si Pastor Apollo sa inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte.

Kasama ni Pastor Apollo si outgoing President Rodrigo Roa Duterte.

Pati na si incoming President Bongbong Marcos at First Lady Liza Marcos.

Ang mga bisita ay labis na nagalak sa presensya ng butihing Pastor sa nasabing aktibidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter