HINDI maaaring ituloy-tuloy ang Libreng Sakay program ng pamahalaan.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Usec. Cesar Chavez sa panayam ng SMNI News, umabot na sa P515.9-M ang revenue loss ng MRT-3.
Ipinaliwanag naman ni Usec. Chavez ang desisyon kung bakit nananatiling may libreng sakay ang LRT-2 hanggang Nobyembre.
Aniya, sa linyang ito makikita na mga mag-aaral ang pinakamaraming sumasakay.
Kung matatandaan, may libreng sakay pa rin ang mga mag-aaral simula August 22-November 4 sa LRT-2.
Binigyang-diin lang ni Chavez na hindi pa rin ito magtutuloy-tuloy subalit may plano na silang magbibigay discount para sa mga mag-aaral.
Sa July 22 ay magkakaroon ng board meeting si DOTr Sec. Jaime Bautista kasama ang LRTA hinggil sa mekanismo dito.
Samantala, ang PNR ay hindi na kailangan pang magkaroon ng libreng sakay dahil sobra-sobra na ang pagbibigay subsidiya dito.
Sa katunayan, ang 56km na Tutuban, Manila hanggang Calamba, Laguna ng PNR ay P60 pesos lang ang hinihinging pamasahe kahit na nararapat aniyang singil dito ay aabot sa P362.00.
Ang MRT-3 naman ay nasa mahigit kumulang 1, 500 lang ang mga sumasakay.
Ibig sabihin, kunti lang ang sumasakay dito kung kaya’t napagdesisyunan na itigil na dito ang libreng sakay.