PINAALALAHANAN ni Sen. Bong Revilla ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Pinunto ni Revilla na napakahalaga ng trabahong ginagampanan ng DPWH at kinilala niya ang mabilis at agarang kilos ng ahensiya sa pagpapadala ng kanilang mga kawani upang suriin ang mga pampublikong imprastraktura sa kabila ng hagupit ng Bagyong Kristine.
“Napakahalaga ng papel ng DPWH ngayon para makapasok ang mga rescuers at tulong sa mga apektadong lugar,” pahayag ng mambabatas.
“Tama ang Presidente that the immediate concern is to make sure that those affected are not isolated and away from reach,” dagdag niya.
The solon recognized the daunting task in front of the DPWH but asked them to press on. Batid din ni Revilla ang malaking hamon na kinahaharap ng DPWH ngunit naniniwala na dapat magpatuloy ang ahensiya dahil sa kanila nakaasa ang buhay ng nakakarami.
“Maraming mga imprastruktura at mga daanan ang lubhang naapektuhan,” ani niya.
Matatandaang nagpadala si Revilla ng trak-trak na relief goods sa Bicol kung saan nahirapan ang paghahatid ng nasabing tulong dahil sa baha at mga nasirang imprastraktura.
“Kaya mahalaga ang tuluy-tuloy na kabayanihan ng ating mga first responders upang matiyak na makakarating ang ating tulong,” pagdidiin ni Revilla.
“Sa diwa ng bayanihan, malalampasan din natin ito,” pagtatapos niya.