Ria Atayde, nakibahagi sa isang Christmas campaign na tutulong sa mga kabataan sa bansa

Ria Atayde, nakibahagi sa isang Christmas campaign na tutulong sa mga kabataan sa bansa

NAKIBAHAGI ang aktres na si Ria Atayde sa Christmas campaign ng non-profit organization na Save the Children Philippines.

Bilang ambassador ng organisasyon ay sinabi ni Atayde na ikinagagalak niya ang pagtulong sa mga kabataan lalo na sa pagresolba ng nararanasan nilang kagutuman.

Aniya, “fulfilling” ang makatulong sa iba.

Noong kasagsagan ng COVID pandemic ay nakiisa na rin si Atayde sa mga programa ng organisasyon para sa mga kabataan maging ang pagbisita nito sa Catanduanes matapos nanalasa ang isang bagyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble