Rice export sa Thailand, posibleng umabot sa 8-M tonelada

Rice export sa Thailand, posibleng umabot sa 8-M tonelada

POSIBLENG umabot sa 8-M tonelada ang rice export ng Thailand ngayong taon sa kabila ng mga pagbaha na dulot ng Bagyong Noru.

Ito ang inihayag ng presidente ng Thai Rice Exporters Association na si Chookiat Ophaswongse.

Nagdulot umano ng pagkasira sa maraming palay ang pagbaha noong buwan ng Setyembre at Oktubre pero hindi ito nakaapekto sa export ng bansa.

Matatandaan na itinaas ng asosasyon sa Thailand ang export target nito noong buwan ng Setyembre sa 7.5 milyong tonelada mula sa pitong milyong tonelada para sa mas mataas na output at dahil sa mababang halaga ng baht.

Ang Thailand ang ikatlong pinakamalaking rice exporter sa mundo noong nakaraang taon kung saan umabot sa higit anim na milyong tonelada ang na-export nitong bigas.

Follow SMNI NEWS in Twitter