Richard Gomez nahaharap sa isang disqualification case

Richard Gomez nahaharap sa isang disqualification case

NAGHAIN ng disqualification case ang mayor ng Palompon, Leyte laban sa reelectionist na si Leyte 4th District Rep. Richard Gomez.

Ayon sa petitioner na si Mayor Ramon Oñate, nag-ugat ang kaniyang inihaing disqualification case dahil sa pagpakalat ni Gomez ng umano’y maling impormasyon.

Partikular na kaugnay ito sa mga Facebook post ng isang lokal na radio station noong Marso 6 at Marso 7 na naglalaman ng mga paratang laban sa isang miyembro ng electoral board.

Si Gomez, personal itong ibinahagi sa kaniyang Facebook page, ayon kay Oñate, kasabay ng caption na nakahanda umano ang bayan sa paggawa ng malubha at malawakang pandaraya sa darating na halalan.

Ang pagpapakalat ng mali at nakakabahalang balita sa publiko, ayon sa abogado ni Oñate na si Emil Marañon, ay isang election offense batay sa Section 261 ng Omnibus Election Code.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble