Riles ng LRT-1 Cavite Extension, tuluy-tuloy na inilalatag; Phase 1, higit 75% nang tapos 

Riles ng LRT-1 Cavite Extension, tuluy-tuloy na inilalatag; Phase 1, higit 75% nang tapos 

IBINIDA ng Department of Transportation (DOTr) ang over-all development ng Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension Project.

Ayon sa DOTr, ang overall progress ng proyekto ay nasa 75.3% na.

Ang mga construction activities sa rail extension ay kinabibilangan ng electromechanical works gaya ng paglatag ng mga riles, electrical system, communication system at signaling system.

Limang istasyon ang itinatayo sa Phase 1 mula Baclaran hanggang Sucat, Parañaque.

Kabilang dito ang Redemptorist Station na nasa 30.17% nang tapos, MIA (35.4%), AsiaWorld (37.12%), Ninoy Aquino (34.06%) at Dr. Santos (48.03%).

Inaasahang madadagdagan ang bilang ng mga pasahero na maseserbisyuhan ng LRT-1 sa panahon na matatapos ang nasabing proyekto.

Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista, pinatitiyak niya sa Light Rail Manila Corporation at sa mga contractor na magiging operational ito batay sa itinakdang schedule.

Wala pang tiyak na schedule kung kailan pasisimulan ang Phase 2 construction ng extension project dahil ani Bautista nireresolba pa nila ang isyu sa right of way.

Kapag natapos ang proyekto, ang travel time mula Manila patungong Cavite ay magiging 25 minuto na lamang mula sa dating higit isang oras.

Patuloy naman ang diskusyon ukol sa hirit na taas-pasahe ng LRT-1 na mahalaga para sa patuloy na konstruksyon ng extension project.

 

 

Follow SMNI News on Twitter