Riot sa loob ng Quezon City Jail, isa patay 7 sugatan

Riot sa loob ng Quezon City Jail, isa patay 7 sugatan

PATAY ang isang Person Deprived of Liberty (PDL) habang pito naman ang sugatan nang sumiklab ang riot sa Quezon City Jail Male Dormitory kaninang hapon sa nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon ni PEMS Jimmy Sanyuran ng Quezon City Kamuning Police Station 10, pasado alas-3 ng hapon nang magsimula ang gulo sa nabanggit na piitan na matatagpuan sa Bernardo Compound Brgy. Kamuning, Q.C.

Nagsimula ang riot sa pagitan ng grupong Batang City Jail at Commando sa hindi pa malaman na kadahilanan.

Lumalabas na ang namatay ay diumano’y nagtamo ng tama ng bala sa katawan mula sa sumpak.

Patuloy naman na inaalam ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng namatay at ng mga sugatan sa naturang kaguluhan.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter